1st AG Medal Tatangayin ng mga Bata ni Carrasco

by | Aug 11, 2018

KAUNA-UNAHANG medalyang kahit anong kulay ang susubukan mahablot ng sinuman sa 6 na bata ni Triathlon Association of the Philippines president Tomas Carrasco, Jr. sa 18th Asian Games 2018 sa Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Hindi pa nakukwintasan ng medalya ang mga Filipino triathlete sa nakalipas na 17 taon o tatlong edisyon ng quadrennial multi-sport meet tapos makapasok na medal sport noong 2006 sa Doha at sa kasunod na 2010 Guangzhou at 2014 Incheon Asiads.

Ma. Claire Adorna

Ma. Claire Adorna

Mamumuno ang balik-team na sina 2015 Singapore Southeast Asian Games queen Ma. Claire Adorna, Malaysia SEA Games women’s gold medalist Marion Kim Mangrobang, at reigning 2-time SEAG gold men’s winner Nikko Bryan Huelgas, mga lumapag na 7th, 9th at 11th sa 2014 Incheon Asiad.

Kasama rin sa 1,500-meter swim, 40-kilometer bike, 10k run race sina John Leerams ‘Rambo’ Chicano, Mark Hosana at Kimberly Kilgroe.

Inihayag ni coach Melvin Fausto na may kahirapang maka-medal kaya ang makaabot aniya ng top 5 para sa Nationals ay isang malaking karangalan na sa event na preparasyon na rin ng mga Pinoy triathlete sa 30th SEAG 2018 sa bansa. (Ramil Cruz)

Sports