6 na Bata ni Carter Darakma ng Unang Asiad Medal sa 31 Taon

by | Aug 11, 2018

TULDUKAN na ang bangungot sa medalya sa nakarang walong edisyon mula 1986 hanggang 2014 sa Asian Games ang nasa kukote ng anim na bata ni Philippine Judo Federation president David Carter.

Ito ay sa kanilang pakikipagbalibagan sa nalalapit na 18th AG 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Tapos maging medal sport ang nasabing Japanese martial art sa ika-10 Asiad noong 1986 sa Seoul, South Korea. Mula rito kasunod noong 1990 sa Beijing-China, 1994 sa Hiroshima-Japan; 1998 Bangkok-Thailand; 2002 Busan-SoKor uli, 2006 Doha-Qatar, 2010 Guangzho-China at 2014 Incheon-South Korea na naman, walang pang nahahagip na medalya ang mga Filipino judoka.

Kiyomi Watanabe

Kiyomi Watanabe

Kaya sa napakalapit ng kompetisyon, atat sina Kohei Kohagura,▪️Keisei Nakano, Shugen Nakano, Megumi Kurayoshi, Mariya Takahashi at Kiyomi Watanabe na matapos na ang 31 taong pagkabokya ng Pinas sa naturang combat sport ng quadrennial multi-sport meet.

Sa ilang mga nakaraang mga edisyon, 2 PHL judoka ang nabigo sa huling AG, 6 may 8 taon na ang nakararaan, 6 din sa Doha, at 8 sa Busan.

Sa training at international exposure, tiwala si Carter na 1 sa kanyang mga bataan ang makakamedalya kahit na anong kulay pa, na nakatakdang maging makasaysayan.(Ramil Cruz)

 

Sports