Alkhaldi, Yu Asam ang 1st AG Swim Gold sa Loob ng 35-taon ng Pilipinas

by | Aug 11, 2018

MAGPUPUMIGLAS ang 2 bata ni Philippine Swimming, Inc. president Ma. Lailani Velasco upang  matapos na ang 35 taong pangingitlog sa nakaraang 8 edisyon ng Asian Games ng bansa sa pagkampay sa 18th AG 2018 sa Agosto 18-Setyembre 2 sa  Jakarta-Palembang, Indonesia.

Babalikat sa kampanya ng mga Filipino sina 2-time Olympian tanker Jasmine Alkhaldi, 25, ng Paranaque City  at Roxanne Ashley Yu  para mabigyan ng unang medal – mapa-gold, silver o bronze – ang Pilipino sa quadrennial multi-sport meet.

Huling nakamadelya pa ang Pinoy tanker sa quadrennial meet nang maka-3 medal – tigi-1 G-S-B lahat mula kay Billy Wilson sa men 200, 400 at 1,500 freestyles sa 9th Asiad sa New Delhi, India noong 1982.

Jasmine Alkhaldi

Jasmine Alkhaldi

Pero magmula 1986 Seoul hanggang 2014 Incheon parehong sa South Korea,hindi na nakatikim ng kahit anong kulay na medalya ang Pinas. Kasama ring nabokya ang bansa 1990 Beijing, 1994 Hiroshima, 1998 Bangkok, 2002 Busan, 2006 Doha at 2010 Guangzhou.

Ang best-finish ng PHL swim squad dito ay sa 1954 Asiad sa Maynila sa 4-3-4. Trangka rito si double gold winner Haydee Coloso sa women  100 freestyle at 100-meter butterly. Gold din sina Jocelyn von Giese sa W 100 backstroke at Parsons Nabiula sa men 200 fly.(Ramil Cruz)

Sports