Aribado POM ng PSA sa Hunyo

by | Jul 9, 2018

INILUKLOK ng nakabase sa England na Professional Squash Association sina reigning PSA o world women’s No. 81 Jemyca Aribado ng Pilipinas at men’s No. 64 Ivan Yuen ng Malaysia na PSA Players of the Month ng Hunyo 2018.

Naka-post sa PSA World Tour website ang seleksyon sa24-year-old, 5-foot-3 at Taguig City native dahil sa sorpresa’t makasaysayang paglagak sa sarili bilang unang Filipina squash player na nakakopo ng kampeonato sa kasalukuyang 2018 PSA World Tour.

Tinagpas nang noo’y world number 85, third seeded Pinay squasher sa 37-minute finals match si  world No. 116 at fifth seeded Kiwi Emma Millar, 27,  3-1  (11-9, 6-11, 11-7, 12-10) upang makopo ang korona at top purse US$5,000 (₱260,000) sa Squashgym International Squash Classic noong Hun. 7-10 sa Palmerston North, New Zealand.

Robert Bachmann

Robert Bachmann

Nilindol muna ni Aribado ang playing venue sa pagsilat sa dikdikang semifinals kay world no. 58 at top seeded Sarah Caldwell , 26, ng Australia,  3-2  (5-11, 11-9, 1-11, 13-11, 11-7), winasiwas sa quarterfinals si world no. 125 at sixth seeded Au Yeong Wai Yhann, 19, ng Singapore, 0-3  (8-11, 9-11, 7-11), at sa opening round si unseeded New Zealander Charlotte Galloway, 0-3  (11-3, 11-5, 11-9).

Humati sa limelight si Yuen, 27-year-old mula sa Penang, sa pagsakote sa men’s accolade dahil naman sa dalawang titulong nahagip na para sa nabanggit na buwan sa pro Tour.

Isa rin si Aribado sa pambato ng Philippine Squash Association na papalo sa papasok na buwang 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.