Bata ni Montinola, Lorenzo Gold sa Malaysia

by | Jul 29, 2018

NAKAHAMPAS ng tigi-1 gold at bronze ang limang bataan nina National Golf Association of the Philippines chairman Aurelio Montinola III at president Martin Lorenzo na dumayo sa 52nd Men & 47th Ladies Penang Amateur Open 2018 sa Penang Golf Club sa Penang, Malaysia noong Hulyo 16-19.

Binuhat ni Luis Miguel Castro ang 1-3 pagtatapos ng Pinoy kasama si Weiwei Go sa men – gross sa 217-218, ayon sa pagkakasunod.

Dinaig ni Castro si 4th playo-off si Muhammad Afif Muhammad Razif ng host country na nakaparehas niya ng iskor sa regulation. Pumang-apat si Ruperto Zaragoza III sa 220 OCB.

4th din si Lois Kaye Go sa ladies-gross sa 224 OCB, samantalang na-sweep ng Malaysians 1-2-3.

Nawalis din ng Malaysia ang top 3 sa men – net at ladies – net sa 3 araw na paluan na nilahukan ng iba pang bansa, na gaya ng Pinas nagpiprepara rin sa nakatakda sa Agosto 18-Setyembre 2 na 18th Asian Games sa Indonesia.(Ramil Cruz)

Sports