BMX Park riders, pipiliin para sa Korea C’ships

by | Jul 21, 2018

Naghahanap ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc. ng mga mahuhusay na mga BMX Park riders, skateboard park at aggressive Inline park skaters na isasali nito para irepresenta ang bansa sa gaganapin na 2018 Chuncheon International Leisure Sports Festival/Action Sports Championships sa Chuncheon, South Korea sa Agosto 24 hanggang 28.

Sinabi ni SRSAP chairman Monty Mendegoria bukas ang oprtunidad sa lahat ng mga atletang edad 13-anyos pataas para makasali at bitbitin ang bandila ng Pilipinas para sa pinakamalaki at pinakagrandiyosong torneo para sa mga kinukunsidera na X-Games ng Asia.

“We are looking for the best BMX park, skateboard park and Aggressive Inline park athlete in the country for the 2018 Chuncheon International Leisure Sports Festival/Action Sports Championships in Chuncheon, South Korea,” sabi lamang ni Mendegoria.

“For those who are interested to join, these are the following criteria: 1) This is open to all male or female BMX, Skateboarding and Aggressive Inline PARK athletes with an age of 13 years old and above. (For athletes below 18 years old, please submit Parent’s consent). 2) Athletes should be a Philippine passport holder with a validity up to January 30 2019. 3) To all athletes, submit a 1 minute UNEDITED/UNCUT video of your run and we will select 1 athlete from each sport. Videos must be shot on selected skateparks below. Chosen skateparks are similar to the official skatepark in Chuncheon, South Korea,” sabi pa nito.

Para sa mga nagnanais sumali sa BMX park ay kailangan nilang kunan ang kanilang husay sa nga piling skatepark na katulad mismo sa paggaganapang lugar sa Korea na SBAM (Bulacan), Rave (Pasig) at Manila Skate Plaza (Paco Manila).

Para sa skateboarding at Aggressive inline park ay maaring dumayo sa Backyard Skatepark (Sta. Rosa), Mountain Dew Skatepark (Circuit Makati), Manila Skate Plaza (Paco Manila), Palaboy Skate Camp (Cebu) at sa IloIlo Public Skatepark (IloIlo).

Sasagutin naman ng mga Korean organizers ang round trip airfare at hotel accommodations ng mapipiling atleta. Mayroon din ito na breakfast at lunch mula sa organizers.

Sports