Caluag Magdedepensa sa Asiad

by | Aug 11, 2018

MAIDEPENSA ni Daniel Patrick Caluag ang kanyang 2014 Inchen Asian Games gold medal sa men’s bicycle motocross o BMX ang pangunahing target ng 6 na mga bata ni Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling president Abraham Tolentino na mga papadyak sa 18th AG 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.

Balik ang 31-anyos na tubong Harbor City, California Filipino-American BMX racer sa delegasyon ng bansa matapos maayos ang kanyang transportasyon mula Tate pa-Indonesia kasama ng makikipagkompetensyang utol na si Christopher John at Fil-Am Sienna Elaine Finnes.

Kasama rin sa national cycling team sina mountain bikers o MTB bet na sina Ariana Thea Patrice Ariana Dormitorio women elite cross country, at John Derrick Farr at Lea Denise Belgira sa men/women elite downhill.

Inaantay pa ni Tolentino kung mapagbibigyan ang kahilingan nila sa University of the East na payagan si road racer Marella Vania Salamat na naubos na ang leave sa kinukuha roong dentistry.

Sa ngayon, nasa ika-12 puwesto ang Pinas sa may 19 nakapasok sa Asiad cycling medal table sa 1-2-8 gold-silver-bronze.

Ang iba pang medalists bukod kay Caluag ay sina Claudio Romeo na may silver sa men 1,600 massed start at bronze sa 10,000m MS sa 1966 Bangkok Games; Rolando Guavez na may men S at B din sa 4,800 at 800 MS, at Roberto Querimit na may bronze sa men 1,600 MS sa 1970 Bangkok sport-multi meet;

May bronze pa Guaves sa 1-kilometer time trial,  Rodolfo Pagarigan sa points race at team pursuit nina Deogracias Asuncion, Jomel Lorenzo, Renato Mier at Diomedes Panton sa 1982 New Delhi AG; Bernardo Rimarin sa pts. race noong 1986 sa Seoul at si Victor Espiritu sa 1988 Bangkok Asiad men RR. (Ramil Cruz)

 

Sports