Caluag Posibleng Maging Flag Bearer ng Pilipinas sa Asiad

by | Aug 6, 2018

Daniel Caluag Asain Games Flag Bearer

Daniel Caluag Asain Games Flag Bearer

Naniniwala si Philcyling president at Congressman Bambol tolentino na ung mayroon man na karapat dapat na maging flag bearer ang Pilipinas para sa pagsabak nito sa nalalapit na 2018 Asian Games ngayong Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Indonesia, ito ay walang iba kundi ang ang BMX rider na si Daniel Caluag.
Siniguro ni  Tolentino na kanyang isusulong ang nominasyon sa 2014 Incheon Asiad BMX gold medalist  na si Caluag bilang flag bearer, gayung kasama na ito sa delegasyon, matapos na maayos ang isyu ukol sa pamasahe nito mula Los Angeles USA patungong Indoensia.
Sinabi ni Tolentino na siya ring chairman ng Philippine Olympic Committee (POC) na ipapasasagot muna sa mga sponsors ang magiging pamasahe ni Calug at ng kanyang mga kasama buhat sa Estados Unidos patungo sa Indonesia, at saka na lamang ibabalik umano ng Philippine Sports Commission (PSC).
Dahil dito, mas tumatag ang paniniwala ni Tolentino na dapat lamang na si Caluag nga ang maging flag bearer kung kaya naman itutuloy niya ang nominasyon nito dahil umano sa kanyang iniwang marka  kung saan siya lamang ang nakapag-uwi ng gintong medalya buhat sa 2014 edisyon ng Asiad sa Incheon.
“If there is anyone whodeserves to be a flag bearer it should be Daniel Caluag. this is to recognize his achievement. Siya lang nakapag deliver ng gold from 2014 Asian games,” pahayag ni Tolentino.
Ayon pa kay Tolentino, hindi niya ito ginagawa dahil siya ang pinuno ng Philcycling o chairman ng POC ngunit dahil naniniwala siya na may karapatan si Caluag na hawakan ang bandila ng Pilipinas sa martsa ng delegasyon sa nasabing Asiad.
“It wouldn’t matter kung malakas pa o mahina na ang atleta, as along as we look into his achievement. Si Muhammad Ali kahit may parkinson’s disease nagsindi ng torch. I am not pushing this because I am the POC chairman or Philcycling president, but because of Daniel’s achievement,” ayon pa kay Tolentino. Annie Abad

Sports