Catantan, Sumabak sa World Fencing Tilt

by | Jul 26, 2018

Samantha Kyle Catantan

Samantha Kyle Catantan

Bilang paghahanda sa nalalapit na Asiad sumabak si Samantha Kyle Catantan sa World Senior Fencing Championships  sa  Wuxi, China.

Umabot sa top 64 ang  17-anyos na si  Catantan sa Women’s Foil matapos siyang mabigo sa 2nd seed at gold medalist na pambato ng Italy na si  Alice Volpi 6-15.
 Ngunit bago ito ay binigo naman ni Catantan si Barbara Ojeda ng Spain  sa 15-13 panalo sa unang round ng Direct elimination habang dalawang panalo din ang naiatala niya sa Pool Elimination matapos nitong pataobin sina Eline Rentier ng Netherlands sa 5-4 na panalo at si Alicia Yi Jeon Kwag ng Australia sa 5-0 panalo.
Si Catantan ay nag-uwi ng silver medal buhat sa Southeast Asian Games noong nakaraang taon sa Kula Lumpur Malaysia.
Ikinasiya naman ni  national coach Roland Canlas ang naging performance ng 17-anyos na si Catantan sa nasbaing torneo, gayung handa na itong makipag sabayan sa mga pambato ng ibang bansa sa mga malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.
Naniniwala din si Canlas, na maaring makasabay ng maayos ang mga Pinoy Fencers sa kampanya ng bansa para sa Asian Games ngayong Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Palembang Indonesia.
 Annie Abad

Sports