Golfers tatapusin ang 3 dekadang tuyot sa gold o 17 taon sa medal

by | Jul 9, 2018

NASA balikat ng pitong bataan ni National Golf Association of the Philippines president Martin Lorenzo na matighaw ang may tatlong dekadang tagtuyot sa gold, o may 17 taong pagkauhaw sa medal ng bansa sa 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

NGAP president Martin Lorenzo

NGAP president Martin Lorenzo

Bubuo sa PHL men’s squad sina Ruperto Zaragoza III, 20, ng Laguna, Lois Castro, at ang mag-utol na Lloyd Jefferson at Weiwei Go ng Cebu. Sa women’s team ay sina Yuka Saso, Lois Kaye Go, 18, ng Cebu at Bianca Pagdanganan.

Huling naka-gold pa ang isang Pilipino sa golf ng quadrennial multi-sport na ito noong 1986 sa Seoul mula kay men’s individual champion Ramon Brobio. Habang ang women’s team naman ang last medalist noong 2002 sa Busan AG nang maka-bronze ang women’s team nina Heidi Chua, Ria Quiazon at Carmelette Villaroman.

Ruperto Zaragoza III

Ruperto Zaragoza III

May kabuuang 4 na silver at 7 bronze ang Pinoy golfers sa Asiad na ang iba’y buhat kina Gerald Rosales (1998 Bangkok men’s individual), Miguel Luis Tabuena (2010 Guangzhou men’s individual), at men’s teams (Brobio, Felix Casas, Vince Lauron at Danilo Zarate (1990 Beijing), at Cookie Lao, Rhey Luna, Angelo Que at Rosales (1998 Bangkok).

Galing ang bronze kina Brobio (1990 Beijing men’s individual), Michael Bibat (2006 Doha men’s individual), men’s team nina Brobio, Robert Pactolerin, Wilfredo Victolia at Carito Villaroman (1986 Seoul), at 2 women’s team (Ruby Chico, Yvette de Leon, Mary Grace Estuesta at Jamille Jose (1990 Beijing), at Dorothy Joy Delasin, Quiazon at Jennifer Rosales (1998 Bangkok).

Si Canadian Rick Gibson na asawa ni dating aktres Josephine Manuel ang coach ng Nationals, na isasagawa ang misyon sa Pondok Indah Golf Course sa August 23-26.