Leviste, 2 pa nais ang AG equestrian medal

by | Jul 9, 2018

NAKAATANG sa balikat nina Marie Antoinette Leviste, Chiara Sophia Amor at Joker Arroyo ang misyong wakasan ang may tatlong edisyong pangingitlog sa medalya ng Pilipinas sa equestrian sa susunod na buwang 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Sasabak ang tatlong Filipino rider sa individual jumping at team jumping sa quadrennial Asiad na papailanlang sa Agosto 18-Setyembre 2 makaraang mabokya noong 2006 sa Doha at nung 2014 sa Incheon at hindi magpadala ng lahok noong 2010 sa Guangzhou.ine OLymp;ic Committee-San Miguel Corporation Olympic Day Celebration 2018 sa PhilSports Complex (Ultra) sa Pasig City.

Ayon ito kay Mikaela Antonia ‘Mikee’ Cojuangco, Jaworski, International Olympic Committee representative to the Philippines at anak ni Equestrian Association of the Philippines president Jose Cojuangco, Jr., sa panayam ng Abante noong Sabado, Hulyo 1 sa Philipp

Pakay nina Leviste, Amor at Aroyo na sundan ang huling medalyang nakamit ng bansa noong 2002 sa Busan nang maka-gold si Mikaela Antonia Cojuangco-Jaworski sa individual jumping event at silver sa team jumping kasama sina Leviste, Danielle Cojuangco at Michelle Barrera.

Unang nakapitas ang mga Pinoy at Piay na mga mangangabayo ng medalya sa kompetisyong ito noong 1982 sa Seoul sa team eventing sa pamamagitan nina Marielle at Steven Virata, Jose Montilla at Fidelino Barba.

Sina Leviste, Amor at Arroyo kasama ang suspendidong si Colin John Syquia ang kumuha ng silver sa 2017 Southeast Asian Games sa Malaysia sa team jumping. Binawi ang individual sa huli nang bumagsak sa doping test ang kabayo niya.