Mga batang Weightlifters, wagi sa Bali, Indonesia

by | Aug 8, 2018

Tagumpay ang naging kampanya ng apat na mga  Junior Weightlifters matapos silang sumabak sa 2018 Indonesia Weightlifters Championships sa Densapar, Bali, Indonesia.
Bagama’t nilindol, hindi napigilan sina Vanessa Sarno, Rosegie Ramos, Jane Linete hipolito at John Paolo Rivera Jr. na mag uwi ng apat na ginto medalya, limang silvers at 3 bronze buhat sa nasabing kompetisyon.
Ang 15-anyos na si Sarno, na tubong Bohol Province, na sumabak sa kanyang 69kg women’s division, ay nag-uwi ng 3 gintong medalya matapos siyang bumuhat 78kg sa snatch event at 98kg sa Clean and Jerk and nagtala ng 176kg sa kabuuan.
“Hindi ko po ini expect kasi first time ko po sumali sa international competition,” pahayag ni Sarno sa panayam sa kanya ng Balita.
Si Ramos na 15-anyos din na tubong Zamboanga City, ay lumahok sa 48kg category women’s division ay nakakuha ng ginto matapos siyang bumuhat ng 69kg sa Snatch event, silver sa clean and jerk matapos ang 84kg sa kombinasyon na 153kg sa kabuuan.
Si Hipolito naman ay sumabak sa kanyang 58kg women’s division ay bumuhat ng 71kg sa snatch event para sa silver medal at bumuhat ng 85kg sa clean and jerk para sa kasunod na silver medal at nakakuha din ng silver sa kabuuang 156kg.
Ang tanging lalaki na sumabak na si Rivera, ay sumabak sa kanyang 56kg men’s division ay bumuhat ng 96kg sa snatch event para sa ronze medal at bumuhat ng 123kg sa clean and jerk para sa bronze at sa kabuuang 219kg para sa bronze.
Ayon kay Samahan ng Weightlifters ng Pilipinas president na si Monico Puentevella, ang mga nasabing weightlifters ang potensyal na sumunod sa sa yapak ni Rio Olympics silvermedalist Hidilyn Diaz.
“Dapat suportahan sila eh. Sobrang proud ako sa mga batang ito kasi alam ko sila ‘yung susunod sa yapak ni Hidilyn,” ani Puentevella. Annie Abad

Sports