PNSA Tutuklas ng Pinoy na Kampeon sa Mundo

by | Aug 2, 2018

ISANG malaking hamon ngayon sa bagong liderato ng Philippine National Shooting Association ang makaprodyus din sa lalong medaling hinaharap ng mga isang world champion sa sports tulad ng mga kapit-bahay na Singapore, Thailand Vietnam at Taiwan.

Binunyag ito noong Lunes, Hulyo 30 sa Olympic.PH ni PNSA pistol director Ronaldo Hejastro ilang minuto makaraang italaga nina Philippine Olympic Committee president Victorico Vargas at chairman Abraham Tolentino ang mga bagong opisyal ng PNSA.

Ang mga nanumpa sa kanilang mga tungkulin ay sina Manila Yacht Club Cmdre. Ildefonso Trongued, chairman; dating Ilocos Sur Gov. Luis Singson, president;  James Chua, vice president-international affairs; Herman delos Santos, VP-national affairs; retiradong Marines BGen. Francisco Gudani, secretary general; Severino Villarama, treasurer; at Inocentes Dinosa, corporate secretary.

Isa sa tinutukoy ni Hejastro ay si Martina Linday Veloso na nakatudla ng gold medal sa 51st International Shooting Sport Federation 2014 World Cup sa 10 meters air rifle women event sa Munich, Germany.

Ang mga magulang ng Olympian shooter ay mga purong Pinoy na nag-migrate lang island city-estate noong dekada 90.

Kabilang sa mga opisyal ng POC na nasa pagtitipon bukod kina Vargas at Tolentino sina secretary general Patrick Gregorio, deputy secretary general Karen Tanchanco-Caballero, communications director Edgar Genaro Picson, at iba pa.(Ramil D. Cruz)

Sports