Sports Climber Verosil Top Pinoy Performer

by | Aug 7, 2018

SI Gerald Verosil sa aksyon sa isang torneo

SI Gerald Verosil sa aksyon sa isang torneo

NAKARATING sa semifinals ang  9 sa 12 player na pinadala ng Sports Climbing Association of the Philippines sa katatapos na Asian Cup Bouldering and Speed 2018 sa Rajamangola National Stadium ng Siam Square sa Bangkok, Thailand.

Pinangalandakan ni Gerald Verosil ang porma na nagtoka sa kanyang katawanin ang bansa sa 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18—Setyembre 2 sa Jakarta-Palembang, Indonesia, nang maging top Filipino finishers sa pag-abot sa semis.

Lumagak siyang pampito sa pagtrangko sa tatlong iba pa sa semis sa men’s bouldering na nilahukan ng 36 kung saan ang mga kakwadrang sina Iman Mora ay ika-9, Zoren Legaspi ika-12 at John Joseph Veloria na ika-16, habang hanggang qualification lang sina Emilio Gomez na ika-27, at ika-28 si Glenn Lominoque.

Sa 23 kalahok naman sa women’s bouldering na nakapalaot sa semis, 8th-9th-12th-18th-20th sina Liana Nicole Mora, Mhik Tejares, Joanne Ala, Rochess Suarez,  at Jovelle Pua.

Pero sa 34-entry men’s speed hanggang qualification lang nakasulong sina Verosil (19th), Iman (28th), Veloria (29th)at Gomez (31st).

Samantalang sa 20 naglaban sa women’s speed, Round-of-16, 18th si Suarez, 19th si Ala at 20th si Tejares. (Ramil Cruz)

Sports