Tabora, Di Lalahok sa Asiad

by | Jul 26, 2018

Naisin man ng World Cup Bowling Champion na si Krizziah Tabora na matulungan ang delegasyon ng Pilipinas upang humakot ng medalya sa nalalapit na Asian Games ngayong darating na Agosto, ay hindi nito kakayanin na makasama sa koponan, dahil sa kanyang kondisyong pangkalusugan.
Nagpaabot ng kanyang paumanhin si Tabora sa pamunuan ng Philippine Bowling Federation (PBF) partikular na sa presidente nito na si Steve Robles na hindi siya makakasama sa Asiad sa pamamagitan ng isang liham.
Ayon sa 27-anyos na si Tabora, may matinding karamadaman umano siyang iniinda ngayon na nangangailangan ng atensyong propesyunal ng mga doktor kung kaya pinili niya na magpahingamuna at lumiban sa sa nasabing quadrennial meet.
“I have a serious health condition that involves treatment by a professional health care provider. It is so unfortunate that i am temporarily unable to represent our country in the Asian Games,” ayon kay Tabora.
Umaasa naman si Tabora na agad siyang makakbalik sa paglalaro gayung ito na ang kanyang buhay simula pa ng siya ay maging isang ganap na atleta.
“We’ll see. Hopefully makabalik pa ako. Gusto ko din magsorry sa mga sumusuporta po sa akin if na let down ko sila. Hopefully makabalik po ako for them,” pahayag ni Tabora sa panayam ng Balita.
Si Tabora ay nagbigay ng karangalan sa bansa noong nakaraang taon matapos siyang magkampeon sa 2017 QubicaAMF Bowling World Cup.
Tinanghal din si Tabora bilang isa tatlong Athelets of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) noong nakaraang Pebrero.
Hindi man umano niya ginusto na hindi makasama sa Asiad ngunit kailangan umano niyang unahin ang kanyang kalusugan higit sa lahat.
Nauna na dito, ay nagpaalam din si Marella Salamat ng Cycling na hindi rin muna makakasama sa Asiad. Ito ay bunsod naman ng kanyang edukasyon.
Samantala, hindi na rin makakasama sa nasabing event sa Agosto si James Deiparine ng swimming sanhi naman iniinda nitong injury sa tuhod.
Pinayuhan umano si Deiparine ng kanyang doktor na huwag munag sumali sa kompetisyon upang tuluyang gumaling ang nasabing sirng tuhod.
Sa kabila nito ay kumpiyansa pa rin ang pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) na makakapuwesto ng maganda sa Asiad ang koponan ng Pilipinas, gayung  karagdagang atleta pa ang kanilang iniendprso para mapabilang sa naturag torneo.
Sampung karagdagang atleta buhat sa Track and Field, weightlifting at sa cycling ang isasama ng POC sa listahan upang palakasin pa ang koponan ng bansa.
Dahil dito maaring umabot sa kabuuang 278 atleta ang magiging pambato ng Pilipinas para humakot ng medalya sa nasabing quadrennial meet.
Annie Abad

Sports