Takahashi Aprub na sa Asiad

by | Aug 7, 2018

SI Mariya Takahashi, kasama si Karla Kintanar-Fernandez, kabiyak ni Philippine Sportts Commission commissioner Ramon Fernandez.

SI Mariya Takahashi, kasama si Karla Kintanar-Fernandez, kabiyak ni Philippine Sportts Commission commissioner Ramon Fernandez.

MAKAKATULOG na nang mahimbing si Philippine Judo Federation president David Carter dahil pinayagan na ng eskwelahan sa Kobe, Japan  ang kanyang 1 sa 5 Fil-Japanese na maging pambato  ng bansa sa buwang itong 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Umoo na rin sa wakas noong Sabado si Shukuga Gakuin High School vice principal Junichiro Matsumoto bunsod nang pagpupumilit ni Carter, at mga magulang at coach ng judoka na si Mariya Takahashi upang makalaban na ang huli sa multi-sport meet na nakatakda sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.

Naging labis ang oag-aalala ni Carter, mga magulang na Hapones at Davaoeña, pati sina coaches Kheiko Shimoda at Matsu Moto, nang magkaproblema sa schedule at academic si Takahasi na nagbigay-raan para hindi pasalihin ng paaralan sa  Asian Cadet & Junior Cup noong Mayo sa Lebanon at sa Macau nitong Hulyo, at sa International Judo Federation 2018 World Tour Zagreb sa Croatia bago natapos ang nagdaang buwan.

Kasalukuyang world No. 78 at 2017 Malaysia Southeast Asian Games women’s 70-kilogram gold medalist si Takahashi na binulaga si 5-time defending champion Surratana Thongsri ng Thailand sa nakalipas na Agosto.

Inihahanda rin siya ng PJF para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan bukod pa sa posibilidad na magkuwalipika sa 3rd Summer Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina sa Oktubre 6-18.

“Makakatulog na ko nang mahimbing. Nag-aalala kami sa PJF na baka hindi nga siya payagan ng school niya. Buti na lang,” reaksyon kahapon sa Olympic.PH ni Carter, na ang 4 pang panabak sa 2018 Asiad ay sina International Judo Federation No. 20, 21-year-old, 5-foot-7 Cebu-born, at reigning three-time SEA Games champion Kiyomi Watanabe sa women’s division -63-kilogram, ;

2017 SEAG bronze medalist kambal na magkapatid, 21-taong-gulang na mga Pinoy-Hapones ding sina world No. 157 Shugen Nakano sa men’s -66kg at world No. 146 Kaisei Nakano sa men’s –73kg, at si veteran internationalist, world No. 165 Megumi Kurayoshi, 25, sa women’s -57.(Ramil Cruz)

Sports