5 Bata ni Ramos May Silver, Bronze

by | Jul 10, 2018

KUMAMPAY ng tig-isang silver at bronze medal ang mga bataan ni Philippine Rowing Association Benjamin Ramos sa pumalaot noong Hunyo 22-30 na 2018 Asian Rowing Cup II sa Taegeum Lake International Rowing Center sa South Korea.

Sumablay lang ng tatlong sandali ang Nationals na binubuo nina Roque Abala, Edgar Illas Zuriel Samantac at Chris Nievarez sa clocking na 6 minutes 31.743 seconds sa coxless lightweight men’s 4 (LM4) kontra sa nag-gold na Uzbekistan bets (6:28.781).

Pero ginulantang ng Pinoy rowers para sa segunda puwesto ang Koreans (6:37.811) sa finals ng walong araw na karerahan.

Hindi rin pumayag si Melcah Jen Caballero na maiwanan ng mga kasamahan na minamanduhan ni coach Edgardo Maerina nang makipagsabayan din at maka-bronze sa women’s lightweight single sculls (LW1X) sa pagbuntot sa Kazakhstan at Vietnam.

Walang nag-qualify sa 18th Aian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2 na rowers kaya nagsilbi ang kompoetisyon na paghahanda na  para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Pilipinas.

Sports