Karatekas Nais ang 1st AG Gold sa 24 na Taon

by | Jul 10, 2018

NASA balikat ng limang karateka ang pagpuntirya ng unang gold medal ng Karate Pilipinas sa loob ng 24 na taon sa pakikidigmaan sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Mangunguna sa pangkasa ng mga Pilipino sa kumite o sparring sina 2014 Incheon Asiad bronze medalist Mae Soriano sa women’s -55 kilograms o bantamweight at  2017 Indonesia Southeast Asian Games silver winner Jayson Ramil Macaalay sa men’s kumite -60kgs.

Swak din sa lineup sina 2017 SEA Games bronze medalist Junna Tzukii sa -50kgs., Sharief Afif sa men’s 84kgs., at ang PHL lone bet sa men’s kata o form sa -84kgs. na si Orencio James Virgil delos Santos.

Magsisilbi namang coaches sina Shin Tsukii at Norman Montalvo.

Nahilera na medal sports ang Japanese martial sport na ito sa ika-12 edisyon ng quadrennial sportsfest noong 1994 sa Hiroshima. At nagwagi na ang Pinoy karatekas ng 1 silver at 6 na bronze medal.

Ang mga Asiad medalist bukod kay Soriano ay sina Marna Pabillore (silver sa 2006 Doha), Gratchen Malalad (bronze 2002 Busan), Cherli Tugday (B 2002 Busan), David Lay (B 1994 Hiroshima), Richard Lim (B 1994 Hiroshima) at Noel Espinosa (B 2006 Doha).

Sports