Marella Salamat, absent muna sa Asiad

by | Jul 10, 2018

Malungkot na ibinalita ni  2015 Southeast Asian Games Individual Time Trial (ITT)   Champion na si Marella Salamat na hindi na siya makakasama sa kampanya ng bansa para sa 18th Asian Games sa Palembang, Indonesia.

Hindi pumayag ang pamunuan ng University of the East (UE) ang eskuwelahang pinapasukan ni Salamat sa kanyang kurso  na  Dentistry, na muling lumiban sa klase ang 24-anyos na si Salamat upang lumaban sana sa Asiad ngayong darating na Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

“Sorry po, but I have left with no choice,” pahayag ni Salamat sa isang panayam sa kanya. “I just want to finish my studies. Our Dean in UE, made me choose between Dentistry and Cycling. So i chose Dentistry,” ani Salamat.

Ayon sa kanya, bagama’t gustung gusto niya sana na makapaglaro sa Asiad para sa Pilipinas, hndi niya din na kakayanin na isantabi muna ang kanyang pag-aaral, gayung sakaling ipagpaliban niya ito ngayon, ay hindi na siya muling makakabalik sa taon na kanyang iiwanan.

Si Salamat ay kasalukuyang nasa ikatlong taon ng Dentistry course sa UE at naghihintay na lamang ng dalawang taon bago makapag tapos. Ang kanyang pagliban  buhat sa klase kung sakali para sa Asian Games ay nangngahulugan na tuluyang pag drop nito sa kanyang kurso, kung saan kung babalikan niya itong muli, ay kailangan niya na magsimula muli sa unang taon.

“I don’t want that to happen. And I am doing this for my mom. I just want my mom to be very proud of me,” emosyunal na kuwento ng dating bowler na si Salamat na siya ring nakakuha ng bronze medal sa ginawang World University Cycling Championships noong 2016.

Nagpasalamat naman si Salamat sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) sa suporta na ibinigay sa kanya ng ahensiya sa kanyang mga kampanya para sa bansa, gayundin ang mismong National Sports Association (NSA) na PhilCycling sa pagbibigay ng umanawa sa kanyang naging desisyon.

“Salamat po ng marami sa PSC at PhilCycling, sa POC din po at sa PhilCycling. Salamat po sa lahat ng suporta at understanding po ninyo,” pahayag ni Salamat.

Sports